DZJV Radyo CALABARZONRegional

7 indibidwal, patay sa Antipolo Massacre

Pitong lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, ang pinatay sa saksak ng may-ari ng panaderya sa Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal, nitong Martes ng madaling-araw. Natagpuan ang mga bangkay…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: PRO IV-A

Pitong lalaki, kabilang ang dalawang menor de edad, ang pinatay sa saksak ng may-ari ng panaderya sa Barangay Cupang, Antipolo City, Rizal, nitong Martes ng madaling-araw.

Natagpuan ang mga bangkay bandang alas-7 ng umaga matapos marinig ng isang customer ang ungol ng isa sa mga biktima at makakita ng dugo.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, may ilang residente sa lugar ang nakarinig ng sigawan malapit sa panaderya bandang alas onse, Lunes ng gabi.

Tumakas ang suspek matapos ang krimen subalit kusa ring sumuko kalaunan sa Camp Crame.

Aminado ang suspek sa krimen at sinabing ginawa niya lamang ito matapos niyang malaman na pinagpaplanuhan siyang patayin ng mga biktima para makuha ang kanilang bakery.

ADVERTISEMENT

Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang insidente at hindi inaalis ang posibilidad na may kasabwat ito sa pagpatay.

Kinondena naman ng Pamahalaang lungsod ng Antipolo ang pamamaslang na ito kasunod ng pagtitiyak sa publiko na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa kapulisan upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

What do you feel about this article?