News LightLatest News

55% ng mga UPCAT passers, mula sa public schools

Inilabas na ang resulta ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) kung saan lagpas kalahati ay mula sa mga pampublikong paaralan.

Carlene Latuna · · 1 min read

Inilabas na ang resulta ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT) kung saan lagpas kalahati ay mula sa mga pampublikong paaralan.

Sa 135,236 na sumubok, halos 18,000 o 13% ang nakapasa sa 8 constituent units at 17 campuses nito, mas mataas ng 6.74% kumpara sa tala noong 2024.

Binigyang-diin sa ulat ni UP President Angelo Jimenez na nasa 55% ng mga nakapasa ay mula sa mga pampublikong paaralan at 31% ang mula sa non-science public schools.

Aniya, ito ay makabuluhan dahil kabaligtaran nito ang resulta noong mga nakaraang taon, gaya na lamang noong 2022 at 2023 kung saan mas marami ang nakapasa mula sa pribadong mga paaralan.

Dagdag pa ni Jimenez, nadagdagan maging ang bilang ng mga estudyanteng nakapasa mula sa mga probinsya.

ADVERTISEMENT

Nasa 21% naman ang galing sa mga pamilyang may 200,000 pesos pababa na annual income at nadoble ang mga “first-generation” college students na pumasa sa naturang unibersidad.

What do you feel about this article?