
Bad news para sa mga nagpa-planong magbakasyon dahil may taas-singil sa mga paliparan ngayong tag-init.
Nagtaas na simula kahapon ang Passenger Service Charge (PSC), ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
₱900 na mula sa dating ₱550 ang terminal fee para sa mga international flights.
Para sa domestic flights, magbabayad ang mga pasahero ng ₱350 kung mula sa international airport, ₱300 para sa Principal Class 1 airport, ₱200 para sa Principal Class 2 airport, at ₱100 para sa community airport.
ADVERTISEMENT
Nakapaloob ang PSC o terminal fee sa presyo ng ticket at ayon sa CAAP, ito ay ilalaan sa pagsasaayos ng serbisyo at pasilidad ng mga paliparan.


