
Minamaliit lamang ng Palasyo ang lumabas na resulta ng survey na nagsasabing bumaba ang trust at approval ratings ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, 2,400 lamang ang mga respondent ng naturang survey ng Pulse Asia at hindi naman ito kumakatawan sa sentimyento ng lahat ng Pilipino.
Hindi rin naman umano naapektuhan ang Pangulo sa mga survey dahil tuloy lang ito sa pagtatrabaho para sa mga Pilipino.
Naniniwala rin sila na epekto umano ng fake news laban sa Pangulo na kumakalat sa bansa ang mababang survey.
ADVERTISEMENT
Matatandaang bumaba sa 25% ang approval rating ng Pangulo.

