
Sakto para sa kanyang ika-70 kaarawan ang pag-uwi sa Earth ng oldest active astronaut ng National Aeronautics and Space Administration (NASA).
Lulan sina Don Pettit at ang kanyang Russian crewmates na sina Alexei Ovchinin and Ivan Vagner ng Roscomos Soyuz MS-26 spacecraft na inilunsad noong September 11, 2024.
Sa loob ng higit pitong buwan o 220 na araw, inikot nila ang paligid ng mundo ng 3,520 beses bago bumalik dito noong Linggo.
Ligtas at nakangiti pa sila nang sinalubong matapos ang matagumpay na pag-landing sa Kazakhstan.
ADVERTISEMENT
Ito ang ikaapat na spaceflight ni Pettit sa loob ng kanyang 29-year career bilang astronaut.

