Latest NewsNews Light

LTFRB, nagbabala laban sa overloading ng pasahero sa gitna ng post-Holy Week rush

Nagbabala ang LTFRB sa mga public utility vehicle drivers laban sa overloading ng mga pasahero na pabalik ng Metro Manila.

Newslight · · 1 min read

Nagbabala ang LTFRB sa mga public utility vehicle drivers laban sa overloading ng mga pasahero na pabalik ng Metro Manila.

Nagbigay paalala rin ang ahensya sa mga pasahero na huwag nang pilitin pang sumakay sa mga punong pampublikong sasakyan para makaiwas sa overloading.

Pahayag ng LTFRB, mapanganib at posibleng magdulot ng disgrasya ang overloading sa mga sasakyan.

Napabalitang may 38 indibidwal ang sugatan na sakay ng overloaded na jeep patungong resort sa Miag-ao, Iloilo.

ADVERTISEMENT

Hinimok din ng LTFRB ang publiko na i-report ang mga overcharging at colorum na PUVs.

What do you feel about this article?