DZJV Radyo CALABARZONRegional

Calamba City, nagdiriwang ng 24th Cityhood Anniversary ngayong araw

Ipinagdiriwang ngayong araw, April 21, 2025, ang ika-24 na Anibersaryo ng pagiging lungsod ng Calamba, Laguna. Dahil dito, umiiral ngayon ang “Special Non-working Day” sa lungsod alinsunod sa Proclamation No.…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: PCO

Ipinagdiriwang ngayong araw, April 21, 2025, ang ika-24 na Anibersaryo ng pagiging lungsod ng Calamba, Laguna.

Dahil dito, umiiral ngayon ang “Special Non-working Day” sa lungsod alinsunod sa Proclamation No. 847 na nilagdaan ni Executive Sec. Lucas P. Bersamin upang bigyang daan ang selebrasyon.

Kilala ang Calamba City bilang makasaysayang lugar dahil dito matatagpuan ang bahay ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal, lumang simbahan, kaliwa’t kanang mga resort sa Brgy Pansol, at marami pang iba.

Kinikilala rin ang Calamba City bilang Regional Government Center ng CALABARZON at nagsisilbing mahalagang sentro sa pagbibigay ng episyenteng serbisyo sa mga mamamayan ng rehiyon.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?