DZJV Radyo CALABARZONRegional

14 na kahon ng isdang huli gamit ang dinamita, nakumpiska sa Real, Quezon

Nasa humigit-kumulang P70-K na halaga ng iba’t ibang uri ng isda ang kinumpiska ng mga tauhan ng Philipippine Coast Guard Sub-Station Real, Coast Guard Intelligence Unit-Northern Quezon at Real Agriculture…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy of CGDSTL

Nasa humigit-kumulang P70-K na halaga ng iba’t ibang uri ng isda ang kinumpiska ng mga tauhan ng Philipippine Coast Guard Sub-Station Real, Coast Guard Intelligence Unit-Northern Quezon at Real Agriculture Office sa Brgy. Ungos, Real, Quezon.

Base sa ulat ng Coast Guard District Southern Tagalog, kumpirmadong ginamitan ang mga naturang isda ng dinamita para mahuli matapos suriin ng lisensyadong fish examiner.

Nagbunsod ang operasyon sa sumbong ng isang concerned citizen sa lugar.

Samantala, patuloy namang tinutugis ng awtoridad ang nasa likod ng ilegal na gawain, habang ang mga isda ay nasa kustodiya na ng Real Agriculture Office para sa dokumentasyon at disposisyon.

What do you feel about this article?