
Nagsagawa ng inspeksyon ang OCD CALABARZON sa mga pangunahing pilgrimage site sa rehiyon, kahapon, April 15, bilang paghahanda sa inaasahang dagsa ng mga deboto ngayong Semana Santa.
Pinangunahan ni Regional Director Carlos Eduardo E. Alvarez III ang pagbisita sa Our Lady of Sorrows National Shrine at Kinabuhayan sa Dolores, Quezon, at sa St. Padre Pio National Shrine sa Sto. Tomas City, Batangas.
Layunin ng inspeksyon na tiyakin ang kahandaan ng mga LGU at masiguro ang maayos na pagpapatupad ng mga ito ng emergency response plans, lalo na sa gitna ng mataas na heat index.
Ayon sa RDRRMC Memorandum No. 40, nananatili sa “Blue Alert” status ang RDRRMC Emergency Operations Center, kung saan inatasan ang mga DRRMC na panatilihing aktibo ang kanilang operation centers, response teams, at mga information campaigns.
ADVERTISEMENT
Magpapatuloy ang monitoring hanggang April 21, katuwang ang iba’t ibang ahensya para sa ligtas at mapayapang Semana Santa.

