Kalinisan sa mga coastal barangay, siniguro ng Pamahalaang Bayan ng General Nakar

📅  |  ✏️ Updated
Photo courtesy: General Nakar PIO

Naging matagumpay ang “Linis Bayan” at “Coastal clean-up” ng LGU General Nakar, Quezon sa mga baybaying dagat ng Brgy. Pamplona at Brgy. Catablingan.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng LGU katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan sa layong mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa mga coastal barangay lalo na ngayong Semana Santa, kung saan kanilang inaasahan ang pagdagsa ng mga bisita.

Ayon sa LGU, umaasa sila sa kooperasyon ng mga beach goer sa pamamagitan ng pag-segregate ng basura at pagsunod sa mga lokal na ordidansa.