
Arestado ang apat na itinuturing high-value target matapos mahulihan ng nasa P4.7-M na halaga ng umano’y habu sa buy-bust operation ng pulisya sa isang open parking lot sa Barangay Molino IV, Bacoor City, Cavite.
Dinakip ang mga suspek sa pamamagitan ng pinagsamang puwersa ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at Cavite Maritime Police Station.
Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Kumar”, 34-anyos, residente ng Pasay City, “Samiha”, 33-anyos, babae, “Aisah”, 21-anyos, at “Alaisah”, 19-anyos, na residente naman ng Liano Road, Caloocan City.
Samantala, nasa kustodiya na ng PDEA-4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

