DZJV Radyo CALABARZONRegional

Alabat Mayor Arquiza, itinangging may POGO Operation sa kanilang lugar

Mariing itinanggi ni Alabat Mayor Jose Ramil Arquiza na may operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa kanilang bayan. Kasunod ito ng pagdakip ng Bureau of Immigration sa…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Alabat PIO

Mariing itinanggi ni Alabat Mayor Jose Ramil Arquiza na may operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operations o POGO sa kanilang bayan.

Kasunod ito ng pagdakip ng Bureau of Immigration sa 42 unregistered Chinese Nationals sa isang resort sa Alabat na sangkot umano sa POGO.

Paliwanag ni Arquiza, nagpakilala ang mga ito bilang trabahador at sub-contractor ng itinatayong wind turbines sa lugar.

Dagdag pa nito, handa siyang makipagtulungan sa awtoridad upang mapatunayan ang legal status ng mga inarestong Chinese.

What do you feel about this article?