
Arestado ang isang high-value individual (HVI) sa isinagawang drug bust ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor City Police sa Barangay San Nicolas 3, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Marcelino”, 45-anyos, at residente rin sa nasabing lugar.
Narekober sa suspek ang tatlong sachet ng hinihinalang 100 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P680-K, isang pouch, sling bag, at marked money.
Nasa kustodiya na ngayon ng Bacoor City Police Station ang suspek na posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
ADVERTISEMENT

