Latest NewsNews Light

Buong Luzon, dapat maghanda sa ‘The Big One’ ayon sa OCD

Hindi dapat magpakampante ang mga naninirahan sa Luzon hinggil sa posibleng pagtama ng isang 7.2 magnitude na lindol o yung tinatawag na The Big One bunsod ng paggalaw ng West…

Jomar Villanueva · · 2 min read

Hindi dapat magpakampante ang mga naninirahan sa Luzon hinggil sa posibleng pagtama ng isang 7.2 magnitude na lindol o yung tinatawag na The Big One bunsod ng paggalaw ng West Valley Fault.

Ayon kasi kay Office of the Civil Defense (OCD) Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, posibleng yanigin ng The Big One hindi lang ang Metro Manila kundi ang buong Luzon.

Ayon pa kay Nepomuceno, hindi panic kundi kahandaan ang nais nilang iparating sa publiko lalo’t tinatayang 30,000 hanggang 52,000 ang posibleng masawi sa The Big One.

ADVERTISEMENT

Samantala, nagbabala rin ang Department of Science and Technology (DOST) hinggil naman sa paggamit ng mga construction steel na dumaan sa proseso na kung tawagin ay induction furnace.

Mababang kalidad kasi ng bakal ang nagagawa sa pamamagitan ng induction furnace at delikado sa pagpapatayo ng mga gusali.

Dahilan para ipagbawal ito sa mga bansang Japan, China, Taiwan, Thailand, at Indonesia.

ADVERTISEMENT

Ayon kay DOST Metals Industry Research and Development Center member Roberto Cola, may gumagamit ng induction furnace sa Pampanga, Bukidnon, Bataan, at Valenzuela.

Dapat na aniya’y tuluyang ipagbawal o i-ban ng pamahalaan ang induction furnace para sa kaligtasan ng publiko sakaling tumama ang The Big One.

Ayon sa mga eksperto, dapat nang tiyakin ng publiko ang integridad ng kanilang mga tirahan, at sumunod sa lindol protocol gaya ng duck, cover, and hold.

ADVERTISEMENT

Higit sa lahat, dapat iwas panik.

What do you feel about this article?