Opisyal nang kinilala ng PhilHealth bilang “Konsulta” providers ang labing-anim na health facilities sa Baguio, kabilang ang 13 district health centers at tatlong pribadong ospital.
Layunin ng Konsulta program na magbigay ng libreng primary care tulad ng konsultasyon, gamot, laboratoryo, at referral sa mas mataas na antas ng gamutan.
Kabilang sa mga serbisyong maaaring makuha ang 13 laboratory tests gaya ng CBC, urinalysis, at sputum microscopy.
Ang mga health centers na accredited ay mula Asin hanggang Quezon Hill, habang ang mga pribadong ospital ay kinabibilangan ng Baguio General Hospital, PMA, at Olympian Medical and Diagnostic Center.
ADVERTISEMENT
Hinimok din ang publiko na magparehistro sa Konsulta package upang makapagsimula ng kanilang “first patient encounter” at makakuha ng angkop na serbisyo para sa kalusugan.
