
Hawak pa rin ng Taal Municipal Police ang lalaking literal na naghatid ng girlfriend sa altar ng Taal Basilica.
Nangyari ito kahapon kung saan ipinasok ng suspek ang kanyang motor habang angkas ang kasintahan sa loob mismo ng simbahan.
Agad namang bumaba ang babae at naglakad palabas ng simbahan, pero ang lalaki, nag-ala Pari at pumalakpak pa.
Ayon sa kaanak at girlfriend ng suspek, napapansin na nila ang kakaibang kilos nito.
Giit pa ng dalawa, mabuting tao ang suspek at wala ring masamang bisyo.
ADVERTISEMENT
Sa isang panayam, sinabi ng lalaki na nais niya lang talagang ihatid ang kanyang girlfriend sa altar at alam din niyang mali ang kanyang ginawa.
Samantala, isinailalim na sa pagsusuri ang suspek upang matukoy kung nakararanas ito ng depresyon.

