
Binuksan na ng Manila Electric Company (MERALCO) ang Mesaland Substation nito sa Sta. Rosa City, Laguna.
Mayroon itong 83-megavolt-ampere power transformer at apat na bagong distribution feeders para sa mas maaasahang suplay ng kuryente.
Ayon kay MERALCO First Vice President and Chief Sustainability Officer Froilan J. Savet, bahagi ito ng pagtugon nila sa tumataas na demand sa kuryente.
Dagdag pa nito, makatutulong ang pasilidad sa pagpapanatili ng magandang suplay ng kuryente sa mga lungsod ng Sta. Rosa at Cabuyao, gayundin sa ilang mga lugar sa Cavite.

