
Isang lalaki ang nasawi habang dalawa ang sugatan matapos bumangga ang isang sasakyan sa isang bahay sa Purok 5, Brgy. Lumil Silang, Cavite.
Kinilala ang nasawi na si alyas “Cesan”, residente ng Bel-Air, Sta. Rosa, Laguna, na pasahero ng sasakyang bumangga sa bahay, na may plakang WSG-135, na minamaneho ni alias “Tom”, residente ng Brgy. Tartaria, Silang, Cavite.
Sa ulat ng pulisya, lasing umano ang drayber nang maganap ang aksidente.
Patungong Tartaria ang sasakyan nang mawalan ito ng kontrol, sumalpok sa bangketa, at tuluyang bumangga sa isang bahay at nadamay ‘rin ang 3 motor.
ADVERTISEMENT
Agad na isinugod si Cesan sa QualiMed Hospital sa Sta. Rosa, ngunit idineklara itong dead on arrival habang sugatan naman sina alyas “Ira” at “Jhondreyciabal”.
Samantala, naka hospital arrest na ang suspek at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.

