
Binigyang-pugay ng pamahalaan ang mga magsasaka, mangingisda, at mga manggagawa mula MSMEs sa buong bansa kasabay ng pagbubukas ng selebrasyon ng Filipino Food Month na ginanap sa lalawigan ng Quezon.
Ito’y dahil sa kanilang malaking papel na ginagampanan para matiyak ang mataas na kalidad at masustansiyang pagkain sa Pilipinas.
Personal ding bumisita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasama si DA Secretary Francisco Laurel Jr., sa Quezon Provincial Capitol Grounds sa Lucena City upang makita ang mga kultura, pagkain, at produktong inaalok ng Quezon Province.
Samantala, isinabay sa aktibidad ang launching ng bagong logo ng Filipino Food Month o FFM para itaguyod ang agrikultura at pagluluto ng bansa.
ADVERTISEMENT
Mababatid na idineklara ang Abril bilang “Buwan ng Kalutong Pilipino” alinsunod sa Presidential Proclamation No. 469.

