
Ibinasura na umano ng korte sa Qatar ang kasong illegal assembly sa 17 Overseas Filipino Worker o OFW na inaresto sa Qatar noong March 27.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, ito ang sinabi ni Qatari Ambassador to the Philippines Ahmed bin Saad Al-Homidi kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanilang pagpupulong ngayong araw.
Sinabi rin ni Ambassador Al-Homidi na ang pagpapalaya sa 17 OFW ay patunay ng maganda at matatag na pagkakaibigan ng Pilipinas at Qatar.
Tinutukan din umano ni Pangulong Marcos Jr. ang naturang kaso maging ang kanyang utos sa Department of Migrant Workers na tulungan ang mga Pilipino doon.
ADVERTISEMENT
Matatandaang inaresto ang 17 OFW noong March 27 sa Qatar matapos silang magsagawa ng kilos protesta bilang suporta sa panawagan nilang pauwiin na sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa ICC sa Netherlands.

