Regional

Drug den nabuwag sa Nasugbu, Batangas ; 10 katao arestado

Sampung lalaki ang naaresto matapos mabuwag ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA Batangas, PNP Drug Enforcement Group, at Nasugbu Police sa Barangay. Lumbangan, Nasugbu Batangas. Kabilang…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: PDEA-Calabarzon

Sampung lalaki ang naaresto matapos mabuwag ang isang drug den sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA Batangas, PNP Drug Enforcement Group, at Nasugbu Police sa Barangay. Lumbangan, Nasugbu Batangas.

Kabilang sa mga naaresto ang tatlong target-listed drug personalities na sina alyas Bioman, Wong, at Edgardo.

Narekober sa operasyon ang humigit-kumulang 10 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱68,000, iba’t ibang drug paraphernalia, at buy-bust money.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 ang mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA Region 4A sa Santa Rosa City, Laguna.

What do you feel about this article?