Regional

29 na baril at bala, nakumpiska ng Laguna Pulis sa buong buwan ng Marso

Nasa 29 na baril at mga bala ang nakumpiska ng Laguna Police sa isinagawang mga operasyon mula Marso 1 hanggang 31, 2025.  Ayon kay Laguna Police Provincial Director PCOL Ricardo…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read

Nasa 29 na baril at mga bala ang nakumpiska ng Laguna Police sa isinagawang mga operasyon mula Marso 1 hanggang 31, 2025. 

Ayon kay Laguna Police Provincial Director PCOL Ricardo Dalmacia, ang mga search warrant ay ipinatupad laban sa mga indibidwal na ilegal na nagmamay-ari ng baril. 

Ang operasyon ay alinsunod sa umiiral na COMELEC gun ban na epektibo mula Enero 12 hanggang Hunyo 11, 2025.

Samantala, ang mga naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad, habang ang mga nakumpiskang armas ay isinailalim sa ballistic examination sa PNP Crime Laboratory.

ADVERTISEMENT

Photo Courtesy: Laguna PPO

What do you feel about this article?