Arestado ang isang ginang sa Los Baños, Laguna, makaraang maaktuhang ibinubugaw sa internet ang siyam na taong gulang niyang anak.

Base sa ulat ng Women and Children’s Protection Desk ng PNP Los Baños, mga dayuhang parokyano ang kliyente ng suspek.
Narekober din ng mga operatiba ang iba’t ibang bagay na pinagagamit ng suspek sa anak nito.
Photo courtesy: PNP WCPD
ADVERTISEMENT
Dahil dito, posibleng mahatulang ng habambuhay na pagkakakulong ang suspek.
Samantala, isasailalim naman sa counseling ang biktima sa tulong ng DSWD at PNP.
