News LightLatest News

Mga pro-Duterte OFW na inaresto sa Qatar, pansamantalang pinalaya

Pansamantalang pinalaya ng Qatar government ang 17 Overseas Filipino Workers na nakiisa sa isang pro-Duterte rally sa Qatar. Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, pansamantalang nakalaya ang mga…

Jomar Villanueva · · 1 min read

Pansamantalang pinalaya ng Qatar government ang 17 Overseas Filipino Workers na nakiisa sa isang pro-Duterte rally sa Qatar.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, pansamantalang nakalaya ang mga pro-Duterte OFW habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa isinagawa nilang rally.

Ayon pa kay Cacdac, hindi pa nasasampahan ng reklamo ang mga OFW pero handa ang pamahalaan na tulungan sila.

Nangyari ang naturang rally noong March 28 kasabay ng kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ngayon’y nakapiit sa International Criminal Court dahil sa kasong crimes against humanity.

ADVERTISEMENT

Hinuli ang mga OFW dahil hindi umano awtorisado ang rally ng Qatar government.

What do you feel about this article?