DZJV Radyo CALABARZONRegional

Mga ilegal na sigarilyong naharang sa Real, Quezon, na-turn over na sa BOC

Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Customs (BOC)  ang 733 reams ng puslit na sigarilyong sinamsam ng awtoridad sa Fish Port ng Real, Quezon, noong ika-3 ng Marso. Ito’y…

rasibag · · Updated · 1 min read
Photo courtesy: Coast Guard Southern District Tagalog

Nasa kustodiya na ngayon ng Bureau of Customs (BOC)  ang 733 reams ng puslit na sigarilyong sinamsam ng awtoridad sa Fish Port ng Real, Quezon, noong ika-3 ng Marso.

Ito’y makaraang i-turn over ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) sa BOC.

Ayon sa ulat ng Coast Guard, nasa P439,000 ang kabuoang halaga ng mga ito.

Siniguro naman ng CGDSTL na patuloy ang kanilang monitoring at operasyon laban sa iba’t ibang ilegal na gawain.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?