Regional

Ama, arestado sa panggagahasa sa sariling anak at dalawang stepdaughter

Arestado ang isang lalaki sa San Pablo City, Laguna, matapos ireklamo ng panggagahasa sa kanyang dalawang anak-anakan. Ayon sa ulat ng NBI Cavite North District Office, tatlong menor de edad…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read
Photo Courtesy: National Bureau of Investigation

Arestado ang isang lalaki sa San Pablo City, Laguna, matapos ireklamo ng panggagahasa sa kanyang dalawang anak-anakan.

Ayon sa ulat ng NBI Cavite North District Office, tatlong menor de edad ang umano’y biktima ng suspek, kabilang na ang kanyang sariling anak na apat na taong gulang.

Ikinuwento ng mga biktimang nasa edad 19 at 14 ang pambababoy sa kanila ng suspek na nagsimula noong 2023 habang nasa abroad ang kanilang ina bilang OFW.

Nadiskubre din na gumagamit umano ng ilegal na droga ang suspek na ngayon ay hawak ng awtoridad at sinampahan na ng mga kasong paglabag sa Anti-Rape Law, Anti-Child Abuse Law, at Expanded Anti-Trafficking in Persons Act.

What do you feel about this article?