Latest NewsNews Light

Suplay ng kuryente sa bansa ngayong tag-init, sapat ayon sa DOE

Muling tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa ngayong panahon ng tag-init. Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, pinagana na nila ang…

Mico Agustin · · 1 min read

Muling tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang suplay ng kuryente sa bansa ngayong panahon ng tag-init.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Mario Marasigan, pinagana na nila ang task force na magsisiguro sa suplay ng kuryente ngayong buwan at sa mga susunod pa.

Inutusan na rin nila ang mga ito na magsagawa ng inspeksyon sa mga linya ng kuryente upang matiyak kung maayos bang dumadaloy ang kuryente at kung may sira sa mga linya.

ADVERTISEMENT

Nakahanda na rin ang mga contingency plan ng ahensya upang masigurong hindi mawawalan ng suplay ang bansa, kabilang na ang Interruptible Load Program, kung saan gagamitin ng mga commercial at industrial facility ang kanilang sariling backup power generation equipment sakaling umakyat sa red alert ang power grid ng bansa.

Tiniyak din ng DOE na hindi magkakaroon ng power interruptions sa paparating na midterm elections.

What do you feel about this article?