Regional

Pinsalang dulot ng grassfire sa Taal Volcano Island, minimal lang

Kinumpirma ng mga awtoridad na minimal lamang ang pinsalang iniwan ng grassfire sa Taal Volcano Island TVI, partikular sa Brgy. Pulang Bato, San Nicolas, Batangas.  Ayon sa imbestigasyon ng Bureau…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read

Photo courtesy: PCG District Southern Tagalog

Photo Courtesy: Coast Guard District Southern Tagalog

Kinumpirma ng mga awtoridad na minimal lamang ang pinsalang iniwan ng grassfire sa Taal Volcano Island TVI, partikular sa Brgy. Pulang Bato, San Nicolas, Batangas. 

Ayon sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog mula sa hindi na-monitor na apoy sa pagluluto malapit sa baybayin ng isla. 

Dahil sa tuyong damo, mabilis na kumalat ang apoy sa walong ektaryang bahagi ng TVI.

Wala namang nasugatan o nasawi sa insidente na kinlasipika ng BFP bilang “Minimal Damage Fire Incident” o MDFI.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?