InternationalLatest News

PH Embassy sa Myanmar, tinututukan ang paghahanap sa nawawalang 4 na Pilipino

Patuloy ang Philippine Embassy sa pagtutok sa paghahanap ng apat na nawawalang Pilipino matapos ang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs…

Dawn Pamulaya · · 1 min read
Nagtutulungan ang mga Chinese rescuers sa paghahanap ng mga nakaligtas mula sa pagguho ng gusali dulot ng lindol sa Myanmar, March 30, 2025. Photo from CGTN

Patuloy ang Philippine Embassy sa pagtutok sa paghahanap ng apat na nawawalang Pilipino matapos ang magnitude 7.7 na lindol sa Myanmar noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ang apat ay pinangangambahang na-trap sa labindalawang-palapag na Sky Villa Condominium sa Mandalay City, Myanmar, isa sa mga lugar na pinakaapektado ng lindol.

Ayon kay DFA Office of Migration Affairs Director Catherine Alpay, karamihan sa mga natagpuang tao mula sa gusali ay bangkay na.

Samantala, isang humanitarian team mula sa Pilipinas, na binubuo ng halos 100 doktor at rescue experts, ang dumating sa Myanmar upang tumulong sa search and rescue operations.

ADVERTISEMENT

Sa kasalukuyan, inaayos ng DFA ang paglilipat ng ilang Pilipino mula Mandalay patungo sa isang mas ligtas na lugar sa Yangon.

Kasabay nito, tinutugunan din ng ahensya ang repatriation ng nasa 50 hanggang 60 Pilipinong biktima ng human trafficking, na dapat sana’y pauuwiin bago naganap ang lindol.

What do you feel about this article?