
Nadagdagan ng 10 Pinoy basketball players ang listahan ng 50 Greatest Players list ng PBA bago ang kanilang Golden Anniversary ngayong buwan.
Kasama rin sa 10 bagong manlalaro ang dalawang tanging active pa sa PBA na sina Barangay Ginebra star guard Scottie Thompson at San Miguel Beermen star big man June Mar Fajardo.
Dagdag pa sa listahan sina Abe King, Nelson Asaytono, Jeffrey Cariaso, Bong Hawkins, Arnie Tuadles, Danny Seigle, Manuel Victorino, at Yoyoy Villamin.
Ayon kay Committee Chairman Sonny Barrios, sinimulan nila ang pagboto sa idadagdag na 10 sa listahan na may kanya-kanyang pagboto bago mag-usap kung sino ang mga pinal na isasali.
ADVERTISEMENT
Isa rin umano sa kanilang pamantayan para isali sa Greatest Players, maliban sa pagiging Most Valuable Player, ang may impact sa PBA at may napatunayan na sa paglalaro.

