
Binabalak ng Office of Civil Defense ang pagsasagawa ng National Earthquake Drill sa gabi para mapaghandaan sakaling maganap ang malakas na lindol katulad ng inaasahang The Big One, sa ganoong oras.
Ayon sa OCD, bukod sa duck, cover, and hold, pinagtutuunan din ng pansin ng mga ahensya ang command and control operation at ang pagpapanatili ng komunikasyon sa gitna ng sakuna.
Kasama rin sa pinaghahandaan ang posibilidad ng pagtama ng tsunami sa oras na lumindol nang malakas.

