
Nasabat ng CALABARZON Police ang mahigit isang milyong pisong halaga ng umano’y ilegal na droga sa magkahiwalay na operasyon sa Imus City, Cavite at Sta. Rosa City, Laguna.
Kinilala ng pulisya sa alyas na “Antena” ang inaresto sa Cavite matapos at “Alyas Marvin” naman ang dinakip na suspek sa Laguna dahil sa pag-iingat at pagbebenta ng marijuana at shabu.
Nakapiit ang mga ito sa custodial facility ng kani-kanilang arresting police station para harapin ang kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
