
Ililipat sa Yangon, Myanmar ang halos isang daang Pilipino mula Mandalay dahil hindi pa rin ligtas ang lungsod kasunod ng 7.7 magnitude na lindol sa bansa, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Nasa 97 Pilipino sa Mandalay ang nakiusap na sila ay ilipat sa Yangon, na mas ligtas at malayo sa epicenter ng lindol.
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo de Vega, inaayos na ng embahada ng Pilipinas sa Myanmar ang mga bus na maglilipat sa mga Pilipino.
Sa ulat ni DFA Director Catherine Alpay, 120 ang ligtas sa 171 na Pilipino sa Mandalay habang hinahanap pa rin ang apat na idineklarang nawawala.

