
Stuffed toy ba o totoong kuting na?
Sa isang viral video sa social media, nasorpresa ang isang lola mula sa Bacoor, Cavite dahil sa ipinakilala sa kanyang bagong kuting!
Ayon sa caption ng post, akala ng nanay nilang si Leonora na stuffed toy lamang ang inaabot ng kanyang pamilya.
Kaya laking gulat niya nang may lumabas na tunog mula sa kuting!
Agad niyang hinagkan ang kanilang bagong kuting na si Feather at kinantahan pa ito—na para bang apo niya ang cute na fur baby.
ADVERTISEMENT
Natuwa ang netizens sa pagmamahal na agad ipinakita ni Lola Leonora sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.

