
Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pantay nang sasaluin ng ride-hailing companies at Transport Network Vehicle Services (TNVS) ang 20% fare discount para sa mga PWD, senior citizen, at estudyante.
Simula sa April 7, hindi na ibabawas sa mga driver ang mga diskwento.
Magugunitang ibinulgar sa pagdinig ng Senado ng LTFRB na hindi dapat sa mga driver ipinapasa ang diskwento sa pamasahe.

