
Nagbunga ang talino at pagsisikap ng isang Moro student mula sa Marawi dahil pumasa siya sa isa sa top universities sa buong mundo!
Ang math prodigy na si Mohammad Nur Casib ay isang 18-year-old student mula sa Philippine Science High School-Central Mindanao Campus na kilala noon pa lamang sa larangan ng matematika dahil sa nakamit niyang mga parangal sa bansa at sa ibang panig ng mundo.
Dahil sa kanyang husay, nakakuha siya ng full scholarship sa Massachusetts Institute of Technology (MIT), ang No. 1 university sa QS World University Rankings.
Si Nur ay maituturing na isa sa unang estudyante mula sa Bangsamoro Autonomous Region na makakapasok sa prestihiyosong paaralan.
ADVERTISEMENT
Noon pa lamang ay nagdala na siya ng karangalan hindi lamang sa kanyang paaralan ngunit maging sa bansa dahil sa mga ginto niyang medalya sa mga math and science competition gaya ng International Olympiad on Astronomy and Astrophysics at sa Asian Pacific Olympiad.

