DZJV Radyo CALABARZONRegional

Mahigit 2,000 kilong plastic wastes, nalikom sa “Palit-basura Project” ng Tayabas City-ENRO

Umabot sa 2,260 kilo ng mga plastic na basura ang nakolekta sa “Palit-basura Project” ng Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas, Quezon. Mula ito sa 68 karagdagang residente ng iba’t ibang barangay…

rasibag · · Updated · 1 min read

Photo courtesy: Tayabas CICRO

Photo courtesy: Tayabas CICRO

Umabot sa 2,260 kilo ng mga plastic na basura ang nakolekta sa “Palit-basura Project” ng Pamahalaang Panlungsod ng Tayabas, Quezon.

Mula ito sa 68 karagdagang residente ng iba’t ibang barangay na nakiisa sa Caravan na pinangunahan ng Tayabas City Environment and Natural Resources Office (ENRO).

Nasa kabuoang 1,300 kilo naman ng bigas ang inihanda ng LGU kapalit ng basura.

Mababatid na bawat dalawang kilong plastic wastes na makokolekta ng isang residente ay may kapalit na dalawang kilong bigas.

ADVERTISEMENT

Hinimok naman ng LGU ang bawat tayabasin na suportahan ang naturang proyekto.

What do you feel about this article?