
Nananatiling mababa ang housing loan rates ng Pag-IBIG Fund sa kabila ng tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon sa pamunuan ng Pag-IBIG, posibleng umabot pa sa hanggang Hunyo ngayong taon ang mababang housing loan, na umano’y nasa ikalawang sunod na taon nang mababa kahit mataas ang inflation rate.
Ibinida ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta na nananatiling mabisa ang kanilang operasyon gaya ng mabilis na koleksyon ng mga bayad sa utang o loan ng mga miyembro nito.
ADVERTISEMENT
Pinuri rin ng Pag-IBIG ang kanilang mga miyembro dahil sa mabilis nilang pagbabayad sa kanilang mga utang lalo na ang home loan.
Sa datos, nakapagtala ng 93.72% na performing loans ratio ang Pag-IBIG sa pagtatapos ng 2024, na nangangahulugang magandang paglingkod sa mga miyembro nito.

