Latest NewsNews Light

Ej Obiena, nakasungkit ng ginto sa unang outdoor event nito ngayong taon

Hindi alintana ang mahamog na araw sa Taiwan upang masungkit ni Pinoy pole vaulter star EJ Obiena ang ginto sa Taiwan International Pole Vault Championships. Tinalon ni Obiena ang 5.50…

Mico Agustin · · 1 min read
Ej Obiena sa Taiwan International Pole Vault. Screenshot from Ej Obiena/Facebook

Hindi alintana ang mahamog na araw sa Taiwan upang masungkit ni Pinoy pole vaulter star EJ Obiena ang ginto sa Taiwan International Pole Vault Championships.

Tinalon ni Obiena ang 5.50 meters para manguna sa naturang torneo, habang si American pole vaulter Matt Ludwig ang nakakuha ng pilak matapos ang pagtalon sa 5.30 meters.

Ito na ang unang outdoor win ni Obiena matapos ianunsyo nito na magpopokus siya ngayong taon sa outdoor upang paghandaan ang mga malalaking laban gaya ng World Championships, SEA Games, at Olympic Qualifiers.

Ito na rin ang ikatlong ginto ni Obiena ngayong taon matapos maghari sa Orlen Copernicus Cup sa Poland at sa Metz sa France.

What do you feel about this article?