
Nagsama-sama ang iba’t ibang grupo upang maghain ng Petition for Certiorari and Mandamus sa Korte Suprema upang aksyunan na ng pamahalaan ang isyu ng political dynasty.
Ibig sabihin, pinipilit ng petisyon ang Korte Suprema na utusan ang Kongreso na magpasa ng batas kontra political dynasty.
Kung ang Article II, Section 26 ng 1987 Constitution ang pagbabatayan, pinagbabawal talaga ang political dynasty, ngunit wala itong partikular na depinisyon sa batas.
ADVERTISEMENT
Ayon sa petisyon, kailangan nang bigyang-kahulugan ng pamahalaan ang konsepto ng political dynasty at isabatas ang pagbabawal nito.
Kabilang sa mga grupong nagsumite ng petisyon ang 1Sambayan, Sanlakas, mga abogado, at iba pa, kabilang sina Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio at Retired Ombudsman Conchita Carpio Morales.
