News LightBantay Boto 2025

SP Escudero, nagpahayag ng suporta sa Senate slate ng Alyansa ni Pangulong Marcos Jr.

Suportado ni Senate President Francis Escudero ang senatorial slate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Jomar Villanueva · · 1 min read
Pinangunahan ni Senate President Francis Escudero ang prokalamasyon ng mga kandidato ng Nationalist People’s Coalition sa Sorsogon. Screenshot from Chiz Escudero/Facebook

Suportado ni Senate President Francis Escudero ang mga senatorial candidate ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Escudero, susuportahan ng Nationalist People’s Coalition (NPC) ang mga kandidato ng Alyansa sa 2025 midterm election dahil bahagi ang NPC ng Alyansa. Ang NPC ang nagsisilbing political party ni Escudero.

Hindi naman nilinaw ng Senate President kung 12 pa rin ang sinusuportahang senatorial candidate ng NPC — matapos na lisanin ni reelectionist Senator Imee Marcos ang Alyansa ng Pangulo.

Pinasinungalingan din ni Escudero ang kumakalat na balita hinggil sa posibleng pagkupkop ng Alyansa sa dalawang senatorial candidate ng Liberal Party na sina dating Senador Kiko Pangilinan at Bam Aquino.

ADVERTISEMENT

Nauna nang nilinaw ni Alyansa campaign manager at Navotas Representative Toby Tiangco na walang dayalogo sa pagitan ng Alyansa at nina Pangilinan at Aquino.

Samantala, pinangunahan ni Escudero ang prokalamasyon ng mga kandidato ng NPC sa Sorsogon, kasabay ng pagsisimula ng local campaign period noong Biyernes, March 28.

What do you feel about this article?