InternationalLatest News

Pilipinas, nagpadala ng tulong sa Myanmar kasunod ng nangyaring lindol

Magpapaabot ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa Myanmar ito'y matapos yanigin ng lindol na may 7.7 magnitude na naramdaman hanggang sa Thailand nitong Biyernes.

Giselle Crazo · · 1 min read
Photo courtesy: CGTN

Magpapaabot ng tulong ang gobyerno ng Pilipinas sa Myanmar ito’y matapos yanigin ng lindol na may 7.7 magnitude na naramdaman hanggang sa Thailand nitong Biyernes.

Ayon sa Office of Civil Defense, magkakaroon sila ng inter-agency meeting upang maging maayos ang pagpapadala ng tulong ng Pilipinas sa mga apektadong biktima.

Inaasahang ipapadala ang Philippine Emergency Medical Assistance team ng Department of Health kasama ang isang urban search and rescue team, kada isa mula sa Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, MMDA at iba pa.

Inaasahang aalis bukas ang ipapadalang tauhan ng pamahalaan sa Myanmar.

What do you feel about this article?