
Posibleng umabot sa 50,000 ang bilang ng mga masasawi at 12% ng mga residential buildings ang tuluyang mawawasak sakaling tumama sa NCR ang “The Big One” o 7.2 magnitude na lindol.
Ang West Valley Fault sa kahabaan ng silangan ng Metro Manila ang inaasahang pagmumulan ng The Big One.
Pahayag ni Phivolcs Director Dr. Teresito Bacolcol, inaasahang nasa 51,500 ang masasawi kapag tumama ang The Big One sa bansa at 100,000 naman ang sugatan.
Inaasahang marardaman ang intensity 8 na pagyanig sa Metro Manila.
Maaring magkaroon din ng 9-meter tsunami waves kasunod ng pagyanig sa bahagi ng Eastern Samar.
ADVERTISEMENT
Matatandaang unang naranasan ng Pilipinas ang 8.1 magnitude na lindol noong 1976 kung saan 8,000 katao ang nasawi matapos ang tsunami waves sa Cotabato.

