DZJV Radyo CALABARZONRegional

P3.7-M halaga ng shabu, nasabat sa Calamba City

Isang babaeng tinaguriang “high-value target” ang naaresto sa operasyon ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at 2, PDEA Laguna Provincial Office, at  Calamba City…

rasibag · · Updated · 1 min read

Photo courtesy of PDEA CALABARZON

Photo courtesy of PDEA CALABARZON

Isang babaeng tinaguriang “high-value target” ang naaresto sa operasyon ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 4A Special Enforcement Team 1 at 2, PDEA Laguna Provincial Office, at  Calamba City Police Station sa Bucal Bypass Road,  Purok 3, Brgy. Bucal, Calamba City, Laguna

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas na “Irene”, 42-anyos, at residente ng Brgy. Pansol.

Nakuha sa pag-iingat nito ang humigit-kumulang 550 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may halagang P3,740,000 at buy-bust money.

Dahil dito, si “Irene” ay nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 (Sale of Dangerous Drugs) Article II ng Republic Act 9165 o ang  Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang nakapiit sa PDEA Region 4A Custodial Facility sa Santa Rosa City, Laguna.

ADVERTISEMENT

What do you feel about this article?