
Kasalukuyang nakadetine si Bauan, Batangas Mayor Ryanh Dolor sa House Detention Facility makaraang arestuhin kamakailan ng kapulisan pagkalapag nito sa NAIA Terminal 1 mula California.
Ito’y matapos ma-cite-in contempt kasama ang mga opisyal ng Aquadata na sina Jonathan Yu at Joseph Yu dahil sa ilang beses na hindi pagdalo sa pagdinig kaugnay sa Privitization ng Bauan Waterworks System o BWS.
Kinuwestiyon din ng mga mambabatas ang travel order ni Dolor mula March 11-26, patungong US “due to medical reasons” kahit pa pirmado ito ni Batangas Governor Hermilando Mandanas dahil wala naman itong maipakitang medical records.
Samantala, nagbunsod ang lahat nang ito hinggil sa umano’y maling paggamit ng pondo at iregularidad sa transaksyon ng LGU sa Aquadata Inc., sa pangunguna ni Dolor.
ADVERTISEMENT
Una nang sinabi ng Commission on Audit (COA) na ang kontrata ng LGU at Aquadata ay walang legal at financial basis. Si Dolor ay mananatiling nakapiit sa Kamara hanggang hindi natatapos ang pagdinig ng panel sa usapin.

