
Angat ang mga kababaihan kahit sa larangan ng siyensya at pananaliksik!
Ito ay dahil isang all-female research group mula sa University of the Philippines Diliman ang nakadiskubre na posibleng magamit ang isang marine compound mula sa Philippine Blue Sponge sa paggamot ng breast cancer.
Kabilang sa grupo ay sina marine scientist Dr. Gisela P. Concepcion, Dr. Lilibeth Salvador-Reyes, Zildjian Acyatan, Shalice Susana-Guevarra, Myra Ruth Picart, at Eliza Belen.

Nadiskubre nila sa kanilang test na kung ang compound na renieramycin M (RM) mula sa Philippine Blue Sponge ay isasama sa clinically used cancer drug na Doxorubicin (Dox), ito ay makapagpapaliit ng cancer tumor.
Kasabay nito, nababawasan rin ng compound ang toxic elements na naiuugnay sa chemotherapy drugs.
ADVERTISEMENT
Bagamat nakita nila sa kanilang pag-aaral ang potensyal ng RM at Dox upang malabanan ang breast cancer, naniniwala pa rin ang grupo ng scientists na mainam pa rin ang dagdag na pananaliksik ukol dito.

