
Apat na Pilipino sa Myanmar ang nananatiling ‘unaccounted’ o nawawala matapos ang 7.7 magnitude na lindol sa bansa noong Biyernes, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, kabilang sa apat ay mag-asawa na nakatira sa isang gusaling gumuho noong lindol.
Sa ngayon, wala pang natatanggap na kahit anong impormasyon ang ahensya at ang embahada ng Pilipinas sa Myanmar tungkol sa mga nawawalang Pilipino.
Sa kabilang banda, giniit ni De Vega na walang nawawala o nasugatan na Pilipino na nasa Thailand dahil wala aniyang gumuhong gusali sa bansa at pabalik na ang sitwasyon sa normal.

