Regional

12 Tripulante, nailigtas sa nasunog na Cargo Vessel sa Cavite

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 12 tripulante ng nasunog na cargo vessel MV CASTPHILL XV sa karagatang sakop ng Patungan, Maragondon, Cavite, kahapon.  Ayon sa ulat ng…

Maricon Rodriguez · · Updated · 1 min read

Photo Courtesy: PCG

Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang nasa 12 tripulante ng nasunog na cargo vessel MV CASTPHILL XV sa karagatang sakop ng Patungan, Maragondon, Cavite, kahapon. 

Ayon sa ulat ng PCG, unang nailigtas ng BRP Boracay (FPB-2401) ang pitong tripulante, kabilang ang kapitan ng barko, na nagtamo lamang ng bahagyang pinsala.

Sinundan ito ng operasyon ng Coast Guard Sub-Station o (CGSS) Maragondon, Cavite, kung saan nasagip pa ang karagdagang limang crew member.

Agad namang dinala sa CGSS Maragondon ang mga nasagip na tripulante para sa agarang gamutan. 

Samantala, iniimbestigahan na ng PCG ang sanhi ng nasabing sunog. 

ADVERTISEMENT

Photo Courtesy: PCG

What do you feel about this article?