
Isa na namang makasaysayang parangal ang iginawad sa husay at pagkamalikhain ng mga Pilipino!
Ito ay dahil itinanghal sa kauna-unahang pagkakataon ang isang Filipino ad agency bilang Independent Agency of the Year sa isang international creative festival.

Nakamit ng GIGIL o ang ad agency sa likod ng ilan sa mga kakaiba ngunit mabisang advertisement sa bansa ang nasabing parangal sa ADFEST 2025 sa Thailand.
Bukod dito, kinilala rin ang ilan sa kanilang mga gawa kung saan nagkamit sila ng isang gold, tatlong silver, at isang bronze dahil sa pagiging epektibo at malikhain ng mga ito.
Ang pagkilalang ito ay tagumpay hindi lamang para sa GIGIL ad agency ngunit para sa buong creative ad agency ng bansa.
ADVERTISEMENT
Ang ADFEST ay ang tanging international creative festival sa Asya na kumikilala sa creative excellence ng marketing industry sa iba’t ibang panig ng rehiyon.

