Good NewsNews Light

Filipina artist, ipinamalas ang husay sa sold-out exhibit sa Grand Palais museum sa France

Bago matapos ang International Women's Month, ating batiin ang isang Filipina artist sa kanyang matagumpay na sold-out exhibit sa Paris, France!

Carlene Latuna · · 1 min read
Photo courtesy: La Luz de Amor/Facebook

Bago matapos ang International Women’s Month, ating batiin ang isang Filipina artist sa kanyang matagumpay na sold-out exhibit sa Paris, France!

Ang lawyer at visual artist na si Atty. Tei Leonardo-Ampon ay nagpamangha sa pamamagitan ng kanyang sining sa Art Capital Fair sa Grand Palais Museum sa France noong Pebrero.

Ibinida ni Atty. Tei ang kanyang sining mula sa La Luz De Amor series at Happy Flowers on a Piano series.

Photo courtesy: La Luz de Amor/Facebook
Photo courtesy: La Luz de Amor/Facebook

Maliban dito, kilala siya bilang founding member ng Filipino Advocates for Visual Arts o isang organisasyon na may layong gumawa ng sining para sa cultural development at social change.

ADVERTISEMENT

Ang kanyang international debut ay patunay na hindi pa huli upang makamit ang kagustuhan, at ang mga kababaihan ay may kakayahang abutin ang kanilang pangarap sa buhay.

What do you feel about this article?